Friday, June 24, 2011

Bingi

Kamusta naman ang napaka-jolly kong blogspot? Jolly pa sa lagay na 'to ha? Haha. So ayun, may mga nag-sabi sa'kin na ituloy ko daw ang pagba-blog dahil may kakayahan daw ako. Kakayahan, as in power?! Ito na nga, itutuloy ko na dahil wala akong magawa kundi tingnan ang picture ko with Lourd Ernest de Veyra. Ako na! Ako na ang mukhang zombie sa nasabing picture. Yuck lang.

Everyone knows na taga ParaƱaque ako, oh kung hindi mo knows, ayan na knows mo na. Gerit?! Nag-aaral pa ako sa Manila, Emilio Aguinaldo College sa UN, 1st year college BS-Information Technology. (Bio-data? Dapat alam nyo talaga?) So ayun na nga, syempre lahat ng mga taga ParaƱaque o yung mga estudyanteng taga malayo pa at nag-aaral sa manila ay super taranta para lang makapasok ng maaga at hindi ma-late. O yung mga tao lang na you know... alanganin ang gising kaya nagmamadali.

Okay ito na talaga. May insomnia ako, makakatulog lang ako kapag pinaghehele ako ni mommy. Jokezz!(mommy haaa?)Lagi akong puyat, kaya mukha na kong panda dahil ang itim-itim at ang laki-laki ng eyebags ko. Sa lahat ng panda, ako ang pinaka-cute... sapakin. Kaya pag matutulog na ko, ALARM CHECK! Kailangan kong umalis ng bahay ng 6:30 dahil usually, umaabot ng 1hr. and 30 mins. ang byahe at 8:00 ang start ng klase, idagdag mo pa yung minuto na maghihintay ka ng fx papuntang lawton. I-aalarm ko ang aking alarm clock (alarm clock talaga eh no? Pwede namang phone? Watchucare?) ng 5:30, at 1 million times kong ii-snooze. Ganon ang routine araw-araw. Ganon na ganon. Promises.

Nung wednesday, isang trahedya ang nangyari. Sa kaka-snooze ko, na-late ako. Pag-ligo ko, bihis agad, hindi na nagalmusal, hingi agad ng baon na pera(yun ang wag kalilimutan) at kumaripas ng takbo na parang sports car lang. Jokezz! Noong nakasakay na 'ko sa fx, nagbayad agad ako sa driver. "Nong, sa UN, save more ha". Ang malumanay kong sabi (haha narrator?). Tumingin ako sa phone ko para tingnan kung anong oras na. 7:09... 7:09?!!!! 51 mins. na lang, start na ng klase. Pero kumalma lang ako, nag-relax at nag-soundtrip na lang ng mga kanta ng Radioactive Sago Project.

Patuloy ang pag-rerelax ko dahil nakikita ko namang tuloy-tuloy ang byahe, walang traffic. Noong nakarating na kami sa Baclaran sa may bandang lydias, shet! Traffic dahil may nagbungguang dalawang bike. Jokezz. Traffic lang, hindi ko alam kung bakit. Inis na inis ako, nagmumura na ang isip ko. "Tang ina naman.." patuloy na kumakanta ang salitang putang ina sa isipan ko(narrator ulit). Tiningnan ko ulit ang oras sa selpon ko. 7:30 na, gusto ko nang magwala sa fx, gusto kong ipagdyak-padyak ang mga paa ko. Gusto kong sumigaw nang "Haaaaaaaaaaaaaaa!! Help me Bathala!!" kaso iniisip ko lang talaga 'yun, kung gagawin ko yun, baka di na ko makababa ng buhay sa fx, saka masikip dun sobra.

5 mins. akong nag-meditate. Nag-relax ulit at nakinig ng disney songs. Pwede ka namang ma-late ng 15 mins. sa klase eh. Hanggang sa gumalaw na ang fx. Ramdam na ramdam ko na na male-late ako. Na-badtrip ako sa katabi ko, mukhang walang problema, ang taba nya, relax na relax at kumakain pa ng otap. Parang gusto ko agawin sa kanya yung otap para umiyak sya at pareho na kaming problemado, sa tuwing pepreno ang fx, naiipit nya ko. Hindi sya nagsosorry. Parang gusto ko sabihin, "Sorry ha! Naiipit mo 'ko kasi ang taba-taba mo!". Ang taba nya! Ang taba ko rin! Pero mas mataba sya! Sinisi si ateng mataba? Haha.

Ayun, nagtuloy-tuloy ang byahe, napangiti ako, parang gusto ko magpicture-picture sa loob ng fx dahil nakangiti ako, kulang na lang mag-peace sign. Parang gusto ko din picturan si ateng mataba na kumakain ng otap para may remembrance at ipapablatter ko sya. Jokezz.

Nasa Pedro Gil na ang fx lulan ang mga taong matataba. Haha. Noong tiningnan ko ang oras sa phone, 8:00 na pero ayos lang dahil nga pwedeng ma-late ng 15 mins. and besides, malapit na kami sa kalaw. Noong nasa kalaw na kami, ni-remind ko ulit si manong driver na sa save more ako ibaba at wag sa kanto lang para di na ko tatawid. Umagree naman si kuya ng bonggang bongga. Noong nasa kanto na kami, ni-remind ko ulit sya. "Nong, save more ha?" ... "Okay sige".

Tumawid na ang fx. Syempre happy na 'ko nun. Gusto ko ulit magpicture-picture nang.... booooooooooom!! Nabangga ni manong driver ang matandang pusa. Jokezz. Dumerederetso si manong driver! As in dere-deretso! Gusto ko syang pigilan. Kaso nahihiya ako, ako pa ang nahiya sa lagay na 'yun ah?!

"Nong save more!"
"Sa SM lang?"
"Save more po!"
"Ah sige, sa city hall pala."

Haaaaaaaaaa!! At yun nga, binaba nya 'ko sa city hall. Hindi na 'ko nagsalita, hindi ko na inaway si manong driver at baka mawala ang pagka-sweet lover ng hinayupak na 'yun. Ang nasa isip ko lang, gusto kong sapak-sapakin ang kanyang face, tadyak-tadyakan ang kanyang likod at lahat na ng krimen gagawin ko sa kanya. Gusto ko ding linisin ang tenga nya. Para syang gobyerno. Bingi.

Noong tiningnan ko ang oras, 8:15 na. Gusto ko nang umiyak at gusto kong tusukin sa pwet ang lahat ng taong nakikita ko. Naglakad ako ng 15 mins. mula city hall hanggang sa UN. Oo, hindi ko naisipang mag-jeep dahil hopeless na 'ko nun at di ako marunong tumawid. Nakasimangot ako, hindi ko na gusto magpicture-picture, gusto ko uminom ng muriatic acid, gusto kong maglaslas at magpasagasa na lang para sikat. Huhuhu.

Dumating ako ng 8:30 sa UN. Konting tumbling na lang, nasa EAC na 'ko pero hindi na 'ko pumasok sa klase dahil imamark din ako as absent. So ayun, pumunta na lang ako sa CHILLAX INTERNET CAFE. Chillax eh no? Nagchillax na lang ako ng bongeysious.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan at hinding hindi ang trahedyang binigay sa'kin nung kupal na driver na yun. Linis linis din kasi ng tainga! Puta na yan. Nga pala, sorry kay ateng mataba. Diet diet din, like me, nagdadiet na. 1 lb ang nabawas. Bilib na ko nito sa sarili ko.



Hindi krimen ang pag-linis ng tainga. Ang tutuli mo ang magiging salot para sa ibang tao, linis linis din please? Nagmamakaawa ako.

SAVE MORE...
CITY HALL???

Salamat!

Wednesday, April 6, 2011

Woooooot. Izzme! Nara tree!

'Dayanara' ,hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit Nara ang ipinalayaw sa'kin ng lola ko. Oo tama, ang pakialamera kong lola ang nagbigay ng pangalan at palayaw ko, pwede namang Dayan, Ara, bakit Nara pa di ba? Hindi naman siguro ako mukhang kahoy nung baby pa 'ko. Ang sabi sa mga kwento-kwento ng mga walang hiyang tsismosang kapit-bahay na walang ibang ginawa kundi magpasuso ng sanggol nila sa labas ng kanilang mga tahanan, si Dayanara Torres daw ang dahilan ng kapighatian ko ngayon. Sabi sa alamat, kinuha ni lola ang super cute at very annoying kong pangalan kay Dayanara Torres. THE END.


Nagsimula ako magsulat ng blog last year(2010). 14 yrs old ako nun, isang bugnuting na estudyante na naisipang gumawa ng blog tungkol sa pinapasukan kong school. Dinagdagan ko ng lima pang blogs yun at nagsawa na 'ko. Isang taong namahinga ang mumunti kong fingers sa pagtatype ng kung ano-anong experience ko sa life kong napakakulay.


Nabubuhay ako sa panahon kung san ang mga bagets ay parang mga tanga lang. Party dito, party dyan. Nagpatayan. Syota dito, syota dyan, nagbuntisan. Gala dito, gala dyan. Naligaw, hindi namalayan. Bisyo dito, bisyo dyan. Bumagsak sa kulungan. Pero syempre dahil isa akong super bait at bibong bagets, hindi ko ginagawa ang mga ginagawa nila. Una dahil strict ang parents ko eh *pa-cute*. Pangalawa kahit payagan nila akong pumarty party 24/7 eh, hindi ko pa rin gagawin dahil magwawagi ang katamaran sa katawan ko. Pangatlo, dahil wala akong pera, at ayokong manghingi sa magulang ko dahil maririnig ko lang ang pinakagasgas nilang dahilan : "akala mo tinatae lang ang pera?". Pero sa awa ng Diyos, buti na lang hindi talaga tinatae ang pera, kung nagkataon, baka masuka-suka tayo sa perang may tae-tae. COOL.


Uso din sa mga bagets ngayon ang mga call signs, 'yung tawagan ng magkaibigan o kaya magsyota. For egsampol: cupcake ko, curly tops ko, bestie ko, fries ko, float ko, chuchay ko, pards ko, choco mucho ko, knorr cubes ko, sinigang sa samiso ko, chicken breading ko.HUH????? Hindi ko rin alam kung ano naisipan nila at kung bakit nila nagagawa ang karumaldumal na krimen na 'yan. Sa madaling salita, ayoko sa call signs at mga pauso nila. Pero wala akong magagawa, buhay nila 'yan at ayoko silang pakialaman dahil ayoko din naman ng pinapakialaman ako. Yahh know.

< Insert shit name here >: Elow puh,pwede puh makipagkaibigan?
Me: Sige lang.
< Insert shit name here >: Callsign puh teo,ano puh guxto mo?
Me: ......... asdfghjkl
THE END.


Maglalabing anim na taon na 'kong nabubuhay sa mundong ibabaw. Akalain mo 'yun, ilang taon na pala akong nantatarantado ng kapwa. Ilan taon na rin akong kumakain at tinatae ko rin lang naman. Marami na 'kong nagawang walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng pagtambay kasama ang tropa at manlait ng mga dumadaan, manuod ng porn sabay tawa pag medyo OA ang labanan, mang-asar ng kapatid at ayoko nang isa-isahin,baka isipin nyo may sungay ako. HINDI ako matalino. Mahilig ako sa palakol, alam nyo na 'yun. Naisip ko din naman na labanan ang katamaran ko sa pag-aaral, kaso tinatamad talaga 'ko na labanan ito. Masasabi ko din na minsan, parang tanga lang at walang kwenta ang pinaggagagawa ko sa buhay ko,eh ano naman? I just enjoy the show... "Huh?Gago hindi na 'ko nanunuod ng show.I'm not that desperate yah know?"


MGA BAGAY NA MARAHIL AY HINDI ALAM NG IBA TUNGKOL SA'KIN:

• Wala akong relihiyong pinapanigan. Sapat na naniniwala ako sa Diyos, period. Feeling ko nga dati, Born Again Christian ako dahil walong taon ako pumasok sa Christian School at doon din ako natuto magmura. For me, 'Religion' is the deadliest thing that has ever happened to this planet(wow english!). Maraming nagpapatayan at nag-aaway nang dahil lang sa relihiyong pinapanigan, ginagamit din ng ibang relihiyon ang pangalan ng Diyos para makapagnakaw sa iba. Hindi ako mahilig magsimba dahil hindi ko trip. Hindi pa ako napapabinyagan, hindi din siguro trip ng mga magulang ko. Nasa trip din kasi ng tao 'yan eh.

• Alam kong mahal ang karne ng baka at lahat nga naman ay gumagastos ng malaki para lang makakain nito, pero ibahin nyo 'ko. Hindi ako kumakain ng karne ng baka. Nakakasuka, lalo na kapag nilagang baka ang ulam. EWWWWWWWWW. Nasusuka tuloy ako habang nagtatype.
*corned beef with patatas ang specialty ko*

• Middle child ako, tatlo kaming magkakapatid. Nabasa ko nito lang ang post ng MgaEpal.com ang tungkol sa Middle Child Syndrome. Sabi dito, kadalasan daw na ang mga middle child ay sakit sa ulo ng magulang. Ipagpalagay na nating middle child ka din. Pag inaway ka ng ate/kuya mo, sasabihin sa'yo ng magulang mo: "o anak, wag mo nang sasagutin, mas nakakatanda sa'yo 'yan.". Kapag inaway ka naman ng bunso mong kapatid, sasabihan ka nang: "o anak, wag mo nang patulan, mas nakakabata sa'yo 'yan.". Kaya kadalasan daw ng mga middle child ay understanding dahil kami ang may kakayahang umintindi at magpasensya base sa aming mga karanasan. Isang malaking check! Kasing laki ng betlog ni King Kong.

• Nara's the name! Eating is my game! Isa sa pinakamalupit kong hobby ay ang kumain. Kung papipiliin ako kung pera o bayong, tang ina pagkain na pipiliin ko kahit wala sa choices. Ang hindi ko lang matanggap, bakit pa sa alimasag, hipon ,at pusit pa 'ko naging allergic. Kaya tinanggap ko na rin ang katotohanan na lahat ng bawal ay masarap. Kelan pa ba naging masarap ang gulay di ba? Nga pala, hindi ako kumakain ng tae at kulangot.

• TANG INA. Nagmumura ako at alam ko sa sarili ko na bad 'yun Pero mas masama naman sigurong husgahan nyong masama ang isang tao nang dahil lang sa nagmumura ito. At isa pa, hindi mo naman kailangang maging mabait ala santino para lang magustuhan ka ng lahat. Hindi kapwa tao mo ang nagrerecord ng mga kabutihang ginagawa mo sa mundo, kundi ang Diyos lang mismo. Kung ayaw nyo sa taong nagmumura, edi wag. Get a life betch. Hindi 'yung ang dami pang sat-sat. Parang tanga lang. Para sa mga may ayaw sa'kin, wala kayong pakialam kung anong klaseng tao ako dahil: Una nung mapansin kong pangit kayo, nanahimik ako. Pangalawa hindi porke't lagi kayong nasa simbahan, mabait na kayo. Pag tumambay ba ako sa garahe, kotse na ako?! Lakas mo ding mang-ulul.(so rude huh?)

• Nakakasagabal sa mga tulad kong tamad ang pumasok sa skwela. 'Yung tipong ang sarap sarap ng tulog mo with matching nananaginip ka na kumakain ka ng pizza na kasing laki ng gulong ng bus tapos bigla kang gigisingin ng ermat mo sabayan pa ng palo sa puwet kapag hindi ka pa rin bumabangon. Ilang beses ko na naransan 'yan, muntik ko na nga mabigwasan ermat ko eh. Hindi ko talaga hilig ang pag-aaral at inaamin kong napipilitan lang akong pumasok araw-araw. 'Yung tipong kapag gumagawa ako minsan (minsan lang talaga) ng mga projects, hindi ko sincere na ginagawa at minamadali ko, kaya ang resulta: PANGIT NA GRADE PARA SA PANGIT NA PROJECT. Uso sa klase ang copy paste pagka wala kang assignment kaya nakikiuso na rin lang ako para sa kapakanan ng tamad kong katawan. Naaawa naman ako sa mga magulang 'ko dahil gumagastos sila para sa'kin tapos bibigyan ko sila ng palakol pero mas naaawa ako sa sarili ko dahil pinipilit kong gawin ang bagay na pinakaayaw ko sa lahat. Hindi ako pariwara, dahil alam ko kung hanggang kailan ako magiging tarantado at magiging matino.

• Ang pinaka hindi makatarungan na gawaing bahay ay maghugas ng plato, baso, kubyertos at kung ano mang hugasan sa lababo. Ipayakap mo na ko sa gusgusing bata, wag mo lang akong paghugasin ng hugasan sa lababo. Hindi ko trip 'yan.(at lahat ng gawaing bahay di ko trip). Nung nagpaulan si Lord ng kasipagan, naka-rain coat ako.

• May kwenta akong tao pero mas marami talagang pagkakataon na wala akong kwenta. 'Yung tipong bigla ko na lang aasarin 'yung mga kapatid ko. Pag nakatambay ako at medyo weird 'yung mukha nung dadaan, tatawa na 'ko pag kalagpas nya. Mahilig ako manlait in a way na hindi ko sila pinapakialaman. Mahilig din akong magtanong ng mga walang kwentang bagay tulad nang : "Kapag ang bakla ba nagka-amnesia, bakla pa din ba?" Pakialam ko nga naman sa mga bakla at kung ano sila matapos silang magka-amnesia? Kadalasan talaga nakakagago mga trip ko.

• Ito na, ang pisikal na anyo ko naman. Mataba ako at maliit, pero hindi 'yung tipong mukhang bunggok, tanginang 'yan. May kaitiman pero hindi ako mukhang aeta, tang ina walang ganunan. Medyo kirat ng konti mata ko. Actually hindi na mata 'yun eh, kasi puro eye bags na lang makikita mo. Maliliit lang kamay at paa ko(naks princess). Maliit nga lang, 'yung tipong kamay ni Dagul(sige tang ina mo maniwala ka hayup). O ayan, hindi na 'ko ng nagsabi ng kung ano mang positibo sa sarili ko, inuunahan ko lang kayo sa panlalait nyo mga gago.


and the rest is history...


Siguro pagkatapos 'to basahin ng iba, medyo kasusuklaman na nila 'ko. Syempre, nagkwento na rin lang ako tungkol sa sarili ko, edi magpapakatotoo na ako. Gusto ko kasi, gustuhin ako ng tao sa kung anong kagaguhan meron ako. Sa kasamaan ko nga kaya akong tanggapin di ba? How much more sa kabutihan ko? Marami na 'kong kapalpakang ginawa at malamang ginusto ko naman 'yun, may mga pagkakataong hindi ko na lang pinagsisihan at pinaninindigan ko na lang. Naniniwala ako sa kasabihan ni Bob Ong. "Kahit kailan, walang maling desisyon. Nagiging mali lang ito kapag hindi napapanindigan." At patuloy kong paninindigan 'to sa paraang hindi ako magiging istupido.

"UY GAGO" - Madalas kong tawag sa tropa kong gago at kahit hindi mga gago. Wala akong pinipiling tao, basta gusto ko sila tawaging gago. Uy gago!!! Cute mo.


Ako si Dayanara "Butchok" Ado na naniniwala sa kasabihang... "Whenever you feel worthless, remember, you were once the quickest sperm." I thank you.


(Sa mga may Twitter or Google account dyan na nagustuhan 'tong kagaguhan 'ko, paki-follow na lang. Kung tatanungin nyo kung nasaan na 'yung ibang blog ko, wala na. Binura ko na epal kasi si Mutya eh, sumikat pa. Maraming maraming salamat sa mga nakaintindi ng pagpapakatotoo ko, sa mga hindi, tang ina nyo, may gabi din kayo sa'kin.)