Friday, June 24, 2011

Bingi

Kamusta naman ang napaka-jolly kong blogspot? Jolly pa sa lagay na 'to ha? Haha. So ayun, may mga nag-sabi sa'kin na ituloy ko daw ang pagba-blog dahil may kakayahan daw ako. Kakayahan, as in power?! Ito na nga, itutuloy ko na dahil wala akong magawa kundi tingnan ang picture ko with Lourd Ernest de Veyra. Ako na! Ako na ang mukhang zombie sa nasabing picture. Yuck lang.

Everyone knows na taga ParaƱaque ako, oh kung hindi mo knows, ayan na knows mo na. Gerit?! Nag-aaral pa ako sa Manila, Emilio Aguinaldo College sa UN, 1st year college BS-Information Technology. (Bio-data? Dapat alam nyo talaga?) So ayun na nga, syempre lahat ng mga taga ParaƱaque o yung mga estudyanteng taga malayo pa at nag-aaral sa manila ay super taranta para lang makapasok ng maaga at hindi ma-late. O yung mga tao lang na you know... alanganin ang gising kaya nagmamadali.

Okay ito na talaga. May insomnia ako, makakatulog lang ako kapag pinaghehele ako ni mommy. Jokezz!(mommy haaa?)Lagi akong puyat, kaya mukha na kong panda dahil ang itim-itim at ang laki-laki ng eyebags ko. Sa lahat ng panda, ako ang pinaka-cute... sapakin. Kaya pag matutulog na ko, ALARM CHECK! Kailangan kong umalis ng bahay ng 6:30 dahil usually, umaabot ng 1hr. and 30 mins. ang byahe at 8:00 ang start ng klase, idagdag mo pa yung minuto na maghihintay ka ng fx papuntang lawton. I-aalarm ko ang aking alarm clock (alarm clock talaga eh no? Pwede namang phone? Watchucare?) ng 5:30, at 1 million times kong ii-snooze. Ganon ang routine araw-araw. Ganon na ganon. Promises.

Nung wednesday, isang trahedya ang nangyari. Sa kaka-snooze ko, na-late ako. Pag-ligo ko, bihis agad, hindi na nagalmusal, hingi agad ng baon na pera(yun ang wag kalilimutan) at kumaripas ng takbo na parang sports car lang. Jokezz! Noong nakasakay na 'ko sa fx, nagbayad agad ako sa driver. "Nong, sa UN, save more ha". Ang malumanay kong sabi (haha narrator?). Tumingin ako sa phone ko para tingnan kung anong oras na. 7:09... 7:09?!!!! 51 mins. na lang, start na ng klase. Pero kumalma lang ako, nag-relax at nag-soundtrip na lang ng mga kanta ng Radioactive Sago Project.

Patuloy ang pag-rerelax ko dahil nakikita ko namang tuloy-tuloy ang byahe, walang traffic. Noong nakarating na kami sa Baclaran sa may bandang lydias, shet! Traffic dahil may nagbungguang dalawang bike. Jokezz. Traffic lang, hindi ko alam kung bakit. Inis na inis ako, nagmumura na ang isip ko. "Tang ina naman.." patuloy na kumakanta ang salitang putang ina sa isipan ko(narrator ulit). Tiningnan ko ulit ang oras sa selpon ko. 7:30 na, gusto ko nang magwala sa fx, gusto kong ipagdyak-padyak ang mga paa ko. Gusto kong sumigaw nang "Haaaaaaaaaaaaaaa!! Help me Bathala!!" kaso iniisip ko lang talaga 'yun, kung gagawin ko yun, baka di na ko makababa ng buhay sa fx, saka masikip dun sobra.

5 mins. akong nag-meditate. Nag-relax ulit at nakinig ng disney songs. Pwede ka namang ma-late ng 15 mins. sa klase eh. Hanggang sa gumalaw na ang fx. Ramdam na ramdam ko na na male-late ako. Na-badtrip ako sa katabi ko, mukhang walang problema, ang taba nya, relax na relax at kumakain pa ng otap. Parang gusto ko agawin sa kanya yung otap para umiyak sya at pareho na kaming problemado, sa tuwing pepreno ang fx, naiipit nya ko. Hindi sya nagsosorry. Parang gusto ko sabihin, "Sorry ha! Naiipit mo 'ko kasi ang taba-taba mo!". Ang taba nya! Ang taba ko rin! Pero mas mataba sya! Sinisi si ateng mataba? Haha.

Ayun, nagtuloy-tuloy ang byahe, napangiti ako, parang gusto ko magpicture-picture sa loob ng fx dahil nakangiti ako, kulang na lang mag-peace sign. Parang gusto ko din picturan si ateng mataba na kumakain ng otap para may remembrance at ipapablatter ko sya. Jokezz.

Nasa Pedro Gil na ang fx lulan ang mga taong matataba. Haha. Noong tiningnan ko ang oras sa phone, 8:00 na pero ayos lang dahil nga pwedeng ma-late ng 15 mins. and besides, malapit na kami sa kalaw. Noong nasa kalaw na kami, ni-remind ko ulit si manong driver na sa save more ako ibaba at wag sa kanto lang para di na ko tatawid. Umagree naman si kuya ng bonggang bongga. Noong nasa kanto na kami, ni-remind ko ulit sya. "Nong, save more ha?" ... "Okay sige".

Tumawid na ang fx. Syempre happy na 'ko nun. Gusto ko ulit magpicture-picture nang.... booooooooooom!! Nabangga ni manong driver ang matandang pusa. Jokezz. Dumerederetso si manong driver! As in dere-deretso! Gusto ko syang pigilan. Kaso nahihiya ako, ako pa ang nahiya sa lagay na 'yun ah?!

"Nong save more!"
"Sa SM lang?"
"Save more po!"
"Ah sige, sa city hall pala."

Haaaaaaaaaa!! At yun nga, binaba nya 'ko sa city hall. Hindi na 'ko nagsalita, hindi ko na inaway si manong driver at baka mawala ang pagka-sweet lover ng hinayupak na 'yun. Ang nasa isip ko lang, gusto kong sapak-sapakin ang kanyang face, tadyak-tadyakan ang kanyang likod at lahat na ng krimen gagawin ko sa kanya. Gusto ko ding linisin ang tenga nya. Para syang gobyerno. Bingi.

Noong tiningnan ko ang oras, 8:15 na. Gusto ko nang umiyak at gusto kong tusukin sa pwet ang lahat ng taong nakikita ko. Naglakad ako ng 15 mins. mula city hall hanggang sa UN. Oo, hindi ko naisipang mag-jeep dahil hopeless na 'ko nun at di ako marunong tumawid. Nakasimangot ako, hindi ko na gusto magpicture-picture, gusto ko uminom ng muriatic acid, gusto kong maglaslas at magpasagasa na lang para sikat. Huhuhu.

Dumating ako ng 8:30 sa UN. Konting tumbling na lang, nasa EAC na 'ko pero hindi na 'ko pumasok sa klase dahil imamark din ako as absent. So ayun, pumunta na lang ako sa CHILLAX INTERNET CAFE. Chillax eh no? Nagchillax na lang ako ng bongeysious.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan at hinding hindi ang trahedyang binigay sa'kin nung kupal na driver na yun. Linis linis din kasi ng tainga! Puta na yan. Nga pala, sorry kay ateng mataba. Diet diet din, like me, nagdadiet na. 1 lb ang nabawas. Bilib na ko nito sa sarili ko.



Hindi krimen ang pag-linis ng tainga. Ang tutuli mo ang magiging salot para sa ibang tao, linis linis din please? Nagmamakaawa ako.

SAVE MORE...
CITY HALL???

Salamat!